Two most important wedding etiquette

The Two Most Important Wedding Etiquettes

Pakiusap lang po.

Huwag sana sasama ang loob kapag hindi kayo invited sa kasal ng kaibigan o kamag-anak ninyo, no matter how close you are.

Unang-una, hindi n’yo naman ‘yun gastos, at hindi rin naman kayo nagbayad.

Pangalawa, hindi nyo alam ang pinagdaanan ng mag-asawa – lahat ng sakripisyo nila sa pagtitipid at pagkalap ng pera para sa kasal. Huwag na kayong dumagdag, please lang.

Pangatlo, the wedding is not about you. Nor is it about your feelings. It’s about the couple!

Kwento ko lang ha.

May classmate kami, mula high school hanggang college. Close talaga kami. Sa sobrang gipit nya nung time na mag-aasawa na siya, hindi nya kami mainvite sa reception. Pumunta pa rin kami sa misa ng wedding nya, at nag mcdo na lang para i-celebrate ang pinakamasayang araw ng kaibigan namin. Masaya kami para sa kanya, walang samaan ng loob, at lalong hindi namin pinilit na pumunta ng reception. It’s called maturity.

Isa pang etiquette na dapat nating ginagawa: huwag tayong pakialamero sa kasal ng kaibigan o kamag-anak natin.

May isa naman akong kaibigan – dinala ako sa isang sulok sa reception ng wedding nila after mag-alisan ng mga guests. Umiiyak siya dahil sa sama ng loob. Sama ng loob sa mga kamag-anak na epal. They guilt-tripped him into inviting themselves kahit sobrang nipis na ng budget nila, at nakakuha pa ng kapal ng mukha para mag-invite ng iba.

And it didn’t stop there. Nakialam sila sa halos lahat ng aspeto ng kasal: simbahan, reception, kung sino dapat ang flower girl at ring bearer (“magtatampo si aling ganito kapag hindi mo ginawang flower girl yung anak nyang si kwan!”) Umiyak sya sa akin dahil sa stress na dulot ng mga epal na kamag-anak. At sila pa daw ang malakas shumaron sa tirang pagkain sa reception! (Dagdag ko lang, marami rin sa kanila, pagtapos ng wedding nyo, pagchichismisan lang din kayo. Pupulaan ang mga suot nyo, yung pagkain, yung simbahan na kesyo malayo, mainit yung reception, kesyo di kayo magtatagal kasi lalakero si groom, etc)

Ang problema sa ating mga Pinoy, kung ikaw ang nasa posisyon na ikakasal ka at shinare mo itong post na to, or sinabi mo ito sa mga kaibigan at kamag-anak mo, ikaw pa ang lalabas na masama. Nahihiya ka sa kanila pero sila, napakawalang-hiya! Iga-gaslight ka nila at sasabihan ka na walang utang na loob, o walang kwentang kaibigan. “Ganyan ka pala pinalaki ng magulang mo!”

I don’t care about these comments. And neither should all of you about to get married. Focus on yourselves, on God, and on the sanctity of marriage and of your wedding day. Kung toxic sila pagtapos mong sabihan na “sorry, hindi ko po kayo maiimbita,” kung marami silang paandar at maraming kuda, be thankful. At least walang toxic sa kasal ninyo.

You will have peace of mind on what is supposed to be the happiest day of your life.

Ccto anthony janes perez