Homesickness

Kakauwi ko lang.

Nagbihs lang ako, naglinis ng katawan, sabay humiga na sa kama. Hindi ko muna pinatay ang ilaw dahil hindi rin naman ako agad dadalawin ng antok.

Tumitig lang ako sa kisame.

Siguro mga ilang minuto rin iyon. Tapos bigla ko na lang naramdaman ang pag-agos ng kabubukal lang na mga luha mula sa aking mga mata. Unti-unti kong naramdaman ang pagbigat ng dibdib, at patuloy sa pag agos ang aking luha. Para bang hindi s’ya matatapos.

Tapos bigla akong napaisip. Kasi bakit?

Bakit biglang naging ganito ‘yong pakiramdam ko?

Mabigat. Tapos may kasamang lungkot na hindi ko malaman kung sa nanggagaling.

Ilang minuto pa muli ang lumipas, gano’n pa rin.

Noong napagtanto ko kung bakit, agad kong ibinaliktad ang basang unan, kumuha pa ng isa upang yakapin nang mahigpit at binalot ang sarili sa kumot kahit hindi naman malamig.

๐ท๐‘Ž๐‘š๐‘Ž ๐‘˜๐‘œ ๐‘›๐‘Ž ๐‘Ž๐‘›๐‘” ๐‘๐‘Ž๐‘”๐‘œ๐‘‘.

At ito ‘yong pagod na alam kong hindi agad mawawala kasi may kasama na s’yang lungkot.

โ€”Siyelo
Likhang sining | sayu.go (ig)

Leave a comment