I’ve change

😊

 Hindi na Ako ang Dating Ako

Ni: Eden Grace Sacapanio Aligato
Hindi na ako magiging gaya ng dati.

Oo hinding hindi na.

Hindi na dahil hindi na ako magpapakatanga pa sa iyo.

Hindi na ako si tanga na handang magadjust para sa iyo.

Hindi na ako yung babaeng handang magpasensya para sayo.

Hindi na ako yung gaya dati na handa kang samahan, damayan, at pahalagahan.

Yung handa kang pangitiin at pasayahin  sa panahon ng kalungkutan.

Oo hindi na kasi pagod na ako.

Pagod na ako at nasasaktan na ako.

Pagod na akong manitili sa tabi mo.

Sa tabi ng gaya mong bulag na hindi kayang makita ako.

Sa tabi ng kagaya mong iba naman ang nais.

Kaya naman pasensya na pero hindi ko na kayang magtiis.

Hindi narin ako yung number one fan mo.

Yung tipong sa bawat mahahalagang pangyayari sa buhay mo nariyan ako.

Oo nariyan ako pinagmamasdan ka habang nakangiti dahil ako’y masaya.

Masaya para sa iyo sa bawat mong tagumapay.

Hindi narin ako magiging taga mo.

Taga tabi ng pera mo, taga dala ng maliliit na gamit mo sa tuwing sasabak ka sa gulo.

Hindi narin ako yung laging aasahan mo.

Oo. Hindi na ako yung kukuhanan mo ng mga kailangan mo kasi nga diba yung nasa bag ko parang pag-aari mo?

Hindi na ako magiging gaya ng dati.

Oo hindi na. Nakakapagod na kasi.

Pagod na akong magmukhang parang wala lang.

Pagod na akong magmukhang manhid sa harap nila.

Pagod na akong ngumiti kahit di na ako masaya.

Pagod na akong makitawa kahit ang to too gusto ko ng lumuha.

Pagod na akong magpanggap na OK lang kahit sa totoo lang hindi naman.

Pagod na akong magpanggap na di apektado kaya naman pasensya na.

Pero napagdesisyonan ko na. 

Ititigil ko na ang lahat.

Mahal kita ngunit ayaw ko na.

Mahal kita ngunit nakakapagod na.

Mahal kita ngunit sobra na.

Mahal kita ngunit mahirap na.

Ang hirap lalo’t may mahal ka namang iba.

Kaya naman pasensya na bes ha.

PERO HINDI NA AKO MAGIGING DATING AKO.