iniwan ng walang dahilan

lrm

 “Iniwan ng Walang dahilan”
Sa apat na sulok ng aking kwarto

Katahimikan ang syang namumuo

Ang dating ikaw at ako

Ay bigla na lang naglaho

Tanging naiwan nalang ang salitang ako
Paano nasira ng ganito?

Ang relasyong iningatan ko

Ang relasyong pinahalagahan ko

Ang relasyon, na kung saan inalay ko ang buong buhay ko
Ngayon, isa-isa kong ginugunita

Ang ating mga alaala

Na nakasulat sa bawat pahina ng aklat ng pagmamahalan nating dalawa
Hindi ko mapigilan

Ang mga tumatakbo sa aking isipan

Mga katanungan na wala pa ring kasagutan

‘Pagkat di ko lubusang maintindihan

Ano nga ba ang iyong dahilan?

Dahilan, para ako iyong iwan
Saan ako nagkulang?

Hindi pa ba ako sapat?

Bakit hanggang dito na lang?

Hindi ba ako karapat-dapat?
Ilang buwan palang tayong magkasama mahal ko

Pero, sadyang tadhana ay mapaglaro –

At tayo’y pinaglayo

Relasyong inakala kong hanggang dulo

Nalihis ng takbo
Oras-oras, segu-segundo at minu-minuto

Kung silipin ko ang cellphone ko

Umaasang makikita mo ang mensahe ko sayo

Hinahangad na makausap ka sa konting panahon na ilalaan mo

Gusto ko lang naman itanong sayo

Ang mga dahilan mo

Dahilan para bitawan ako
Paulit-ulit na gumugulo

Sa isipan ko

Mga katagang binigkas mo ” hindi na kita mahal, nagsasawa na ako, palayain mo na ako.”
Nang marinig ko ito

Nanikip ang dibdib ko

Tila mundo ko ay biglang gumuho

Unti-unting pinapatay ng mga katagang ito ang puso ko

Na para bang hinihiwa ng kutsilyo hanggang sa magkapira-piraso
Bakit mo nga ba nasabi ito?

Kailan lang masaya pa tayo

Batid ko naman na maligaya ka sa tabi ko

Batid ko naman na mahal na mahal mo din ako –  

‘pagkat ramdam ko ito

Pero mahal ko bakit bigla kang nagbago?

Nagkulang ba ako?
Sa pakawari ko

Ibinigay ko lahat sayo

Lahat ng meron ako

Lahat inalay ko

Lahat ginawa ko

Lahat sinakripisyo ko

Dahil lahat ng ito ay para sayo

Pero batid ko , hindi pala sapat ang lahat ng ito para manatili ka sa piling ko
Paano ko pa ipagpapatuloy ang paglalakbay?

Kung wala ng hahawak sa aking mga kamay

Paano ako titinging ng diretso sa pangarap ko?

Kung ang kaisa-isang pangarap na tinitignan ko ay naglaho

Paano ako ngingiti sa mga problema ko?

Kung ang dahilan ng pag-ngiti ko ay lumayo

Paano ako sasabay sa ikot ng mundo?

Kung ang ikot ng relasyong ito ay nahinto

Paano pa ako gigising sa umaga?

Kung sa pagdilat ng aking mata kasabay ng pagtanggap sa katotohan na talagang WALA KA NA!
Mga pangako mo

Na napako

Mga plano mo

Na nilipad ng hangin sa kabilang ibayo

Hindi ko dapat pinanghawakan ang mga ito

Para hindi sana nasasaktan ng ganito
Salitang hindi kita iiwan

Isa palang kabaliwan

Hindi ko dapat pinaniwalaan

Pagkat di mo kayang patunayan
Pero kahit ako’y nasaktan mo

Ikaw pa rin ang mahal ko

Ikaw pa rin ang gusto hawakan ng mga kamay ko

Ikaw pa rin ang gustong kayakap ng mga bisig ko

At IKAW pa rin ang nilalaman nitong puso ko
Ang sakit.. Sakit!
Sa larawan nalang kita masisilayan

Bawat araw, ikaw ang gusto matanaw

Bawat musika na aking mapapakinggan

Bumabalik ako sa hinagpis ng nakaraan

Nakaraan.. Kung paano mo ko sinukuan
Minsan natutuliro

Akala ko kumakatok ka sa aking pinto

Pero guni-guni ko lang pala ito

Iniisip ko na lang “Ano pang rason para pumunta ka rito.”
Hindi ko sinasara ang pinto ng puso ko

Sa posibilidad na bumalik sa pahina ng dating TAYO

Dahil hanggang ngayon umaasa pa rin ako
Umaasa ako na , isang araw magtetext ka

Umaasa ako na , isang araw tatawag ka

Umaasa ako na ,  isang araw makakausap ka

At UMAASA AKO NA , ISANG ARAW MULI KANG MAKAKASAMA
Nakakalungkot isipin na sa pagkakataong ito

Hindi ko na mahahagkan ang mga labi mo

Hindi ko na maririnig ang boses mo

Hindi ko na masisilayan pa ang mga ngiti mo
Pinagtagpo.. Pinaglayo

Ngayon hindi ko na alam kung saan patungo

Kung pwede lang hilingin sayo na – 

“ibalik mo ang puso pagkat dala-dala mo ito sa paglisan mo.”

Sana maari mangyari ito

Pero batid ko na imposible na ito.
Puso kong nagkapira-piraso

Kailan kaya mabubuo?

Mga bakas na naiwan mo

Paano kaya maglalaho sa isipan ko?
Bawat hakbang ko

Tinatahak ang proseso ng paglimot ko sayo

Mga alaala na nakatala sa pahina ng aklat nating dalawa ay hindi na mabubuklat pa. Sana bukas magsimula ang isang kabanata na may pamagat na ” Tanggap ko nang Wala ka na”.
fsw