“KATAS”
Ni Vincent Talacay
(RATED SPG)
Not suitable for very young audiences, parental guidance is advice 😂
Isang araw na ika’y balisa,
Hindi alam ang gagawin at laging nakatulala,
Nag iinit ang katawan at naghahanap ng masarap na miryenda,
Miryenda na mukhang saakin mo nakita.
Isang araw na ang init ng katawa’y hindi mapigilan,
Tila ba’y natatakam ka sa katas ng aking katawan.
Hindi ko mawaring parang may gusto kang sabihin saakin,
Para bang ang katas ng katawan ko’y gusto mong lunukin.
Dinala moko sa isang sulok at doon pinagsamantalahan,
Walang ano ano’y binuksan mo ang pintuan patungo sa kalangitan.
Pagbukas na pag bukas ng pinto ay dumungaw ang isang alaga,
Ang alaga kong sa sobrang galit sa iyo’y nagwawala.
Dahil sa iyong init ng katawa’y hindi mo napigilan ang iyong sarili,
Dinakma mo ang alaga kong tanging ikaw lang ang nakahuli sa kiliti.
Hinawakan mo ng mahigpit at sabay na iyong isinubo,
Tuwang tuwa at hindi mapigilan ang kilig ng aking alagang kinain mo ng buong buo.
Hinawakan, dinilaan at labas pasok sa iyong bibig,
Hindi ko mapigilan ang nararamdaman kong kilig.
Hindi nagtagal at lumabas na ang katas na iyong pinakahihintay,
Katas na papawi sa init ng iyong katawan at sa iyong pagkalumbay.
Sa wakas ang aking katas ay iyo ng natikman,
Bakas sa iyong mukha ang labis na kasiyahan.
Lumabas na ang katas mula sa ice candy na gawa ng aking ina,
Wala na ang init ng katawang iyong nadarama.
Sa muli mong pagbabalik sana’y muli mong tikman ang aking ice candy,
Ang ice candy na kapag natikman mo ang katas ay hindi ka mag sisisi.