​This Is Me Accepting You’re Not Coming Back

This is me mending the broken pieces of my heart and trying to make myself feel whole again. This is me completely distancing myself away from you, away from your influence, away from what we could have been. This is me thousands of miles away from you, learning to accept that our love isn’t meant to last forever. 
Maybe my dream of spending my entire life with you will never come true anymore. All those days and nights that we spent together will only become a memory. There’s no more second chance for both of us. There’s no more you and me. There’s no more love to save the cracks in our hearts.
I’m forgiving myself for believing what we had was real, was raw, was honest. I’m forgiving you for all the promises that you broke. And I’m forgiving the world for bringing you in my life temporarily. Forgiveness isn’t easy but this is the easiest way for me to let go, to heal. 
This is me convincing myself to be strong. This is me knowing that I have thousands of days ahead of me and I’ll meet someone who deserves to own my heart. This is me trying to smile again after all the times that I cried for so long. This is me slowly wiping you out of my memory. 
This is me accepting that you will not be coming back.

​You Deserve To Be Loved Unconditionally..rp

You deserve someone who will  give you endless happiness. Someone who will never break the promises that they gave to you. Someone who will always choose to stick by your side no matter how challenging life gets sometimes, no matter how frustrating it is to love you sometimes, no matter how many times you have disappointed them.
You deserve a love that will make a permanent home in your heart. A love that will blossom and live for eternity. A love that you will never ever forget. You deserve all the positive things that love can bring to your life.
Your heart might have been broken for a lot of times before but know that the pain you got from someone else is not — and will not — last forever. You will eventually find the love that will make you feel alive. You will find the person who will put butterflies in your stomach every day. You will live to see your dream, while smiling, and welcoming it with your arms wide open.
You will get what you deserve in life and love. Today might not be the day. Or tomorrow. But it will come. It will come in your story when you least expect it. You just have to be patient and trust.

age is just a number 

AGE IS JUST A 

NUMBER.
(Julius Cesar Polintan)
Tandang tanda ko pa at hindi ko makalilimutan.

Ang ating nakaraan na humantong sa hiwalayan.
Oo ikaw, ikaw na nga, hindi siya, wala ng iba. Tanda mo paba?

Kung hindi na aking ipapaalala,

Nung unang mag kasalubong ang ating landas tinitigan kita mula ulo hanggang paa.

Talaga namang akoy napanganga dahil sa sobra mong ganda.

Pero sa pagtalikod ko sa salamin ng motorsiklo.

aking napansin ikaw pala ay may pag sulyap din ng tingin.

Hindi nag tagal nag kakilala si IKAW at si AKO at may nabuong TAYO.

Nuon paman sinasabi monang ang laki ng agwat ng edad nating dalawa. Mga salitang HINDI TAYO MAGTATAGAL, MAY MAKIKILALA KAPA, at MAGHIHIWALAY DIN TAYO.

Yan ang nga salitang naririnig ko paulit ulit mula sa MAGANDA mong labi na PANGIT naman ang SINASABI.
Hindi mo alam hindi kita napapakinggan gustohin ko man kaso tulala nako sayong kagandahan at ganda ng hubog ng katawan.

Itinuloy parin natin ang ating RElasyon kahit na ikaw na si TANDA ay nag kukulang na sa oras at panahon. 

At ako naman si TOTOY ay gagawin ang lahat tayo ay magkameron lang ng komunikasyon. Kahit hindi kona napagtutuunan ng pansin ang aking mga ambisyon.
Handa akong sumugal kahit ang kapalit nito ay rehas na mga bakal.

Handa akong sumugal kahit ang pagka TOTOY ko’y matatangal.

Handa akong sumugal kahit ang kapalit nito ay dignidad ko at dangal.

Handa kong isugal ang lahat para lang sayo mahal.
Pero sa bawat paglapit ko sayo kasama ang magagandang mga ala-ala.

Eh siya naman ang pagtulak mo sakin at pinararamdam na ayaw mo ng maalala.

Sa bawat pag kapit ko kasama ang mga pangako.

eh siya namang pag bitaw mo at pagsirw sa mga eto.
Pero bakit sa anong kadahilanan ba?

Dahil ba sobrang layo ng agwat ng edad nating dalawa?

Diba sabi ko sayo ang edad ay isa lamang numero.

Ang tumatanda lang satin ay panlabas na anyo.
Pagod na pagod na ako hindi ang aking mga paa, kundi ang puso at isipan na ang relasyon ay ipaglaban.

Paos na paos na ako hindi ang aking bibig, kundi ang aking puso kakasigaw ng iyong pangalan na kailan may ay hindi mo pinakinggan.

Durog na durog na ako hindi lang ang aking puso kundi ang akong buong pagkatao.

Wala akokg pakialam sa sasabihin ng iba.

Mahal parang awa muna makinig ka at tumingin saking mga mata.

Mga matang nagsasabing AGE IS jUST A NUMBER and LOVE CAN SURPASS EVERYTHING.

Yan ang aking paniniwala tanda.
Pero akoy iniwan mo parin sa madilim na mundong ito, kahit alam mong ikaw ang nagpapaliwanag sa buhay ko.

At ang mga pangarap nating binuo isa isa, itinayo ng magkasama ay parang unang DOMINO na ikaw mismo ang tumulak para tumumba ang bawat piraso at masira ang mga eto.

Nagkahiwalay din tayong dalawa nawala ang TAYO at bumalik sa IKAW at si AKO.
-Makatang Lasinggero-

​”LOVE AT FIRST CHAT”

“LOVE AT FIRST CHAT”

Ni: Pusang Makata
Dati ang akala ko 

Puro pabi-pabebe lang 

na may kasamang landian

Nagbibiruan na parang wala lang.
Nagtatanong-tanungan

Siya: “Ikaw ba si Eva? 

The one that will love me for-EVA.” 

Ako: “Hello, ikaw ba si Bamboo? 

Ang nais ‘kong makasama haBAMBOOhay.”
May mga ‘ganto pang nalalaman

“Hi, ako nga pala si Kiesha. 

Ang KIElangan mo hindi SHA.”

Umabot pa sa future ang sagutan

”Pwede ba kitang hawakan? 

Para maabot ‘ko na ang pangarap ko ng tuluyan.”
Dagdag mo ‘to sa listahan

”Pilipinas ka ba sa panatang makabayan? 

INIIBIG kasi kita.” 

At heto pa pakinggan

“Ako nga pala si Teddy.

Ang TEDDYnadhana ni Lord para sayo.
Oh diba para-paraan

Korny mang pakinggan 

Pero aminin mo 

KINILIG KA NAMAN 

Kaya wag kang ano d’yan. 
Dati akala ko

Walang seryosong usapan 

Sa facebook lang kasi nagkakilanlan

Malay ko bang ini-etchos mo lang 

Ayoko’ng gawing laruan

Ngunit ‘di ko alam

Binigyan

Pinagkatiwalaan

Nireplayan

Hanggang umabot ng madaling araw

Nagbubungisngisan

Nagbubu-lahan

Ka chat ka ng walang pagaalinlangan.
Dati ang akala ko

Loko-lokohan lang ang usapan 

May sinabi ka kasing akala ‘ko joke lang 

”Kung naghihintay ka ng taong 

magmamahal ng tapat at totoo sayo. 

Sandali magbibihis lang ako.” 

Nagulat nalang nasa likuran 

May lahi ka bang ‘superman’? 

Agad-agad kasing nandyan

Pinatunayan 

Di lang sa salita may laban

Nakikita ‘ko kasing seryoso ka ng 

Sa simbahan mo ‘ko unang 

Dinala kaysa ‘dun sa kung saan lang. 
At dati ang akala ko

”It takes time”, bago mo talaga masabing 

“Im in love with someone”

Kaylangan mo ng mga araw o buwang

“Getting to know each other”, na dramahan

Meron pa ngang umaabot ng taon

Makasiguro lang–

na siya na talaga ang “The one.” 
Pero alam mo bang may nalaman? 

Posible pala yung, 

“LOVE AT FIRST CHAT”, akoy natablan

Hindi ko alam kung tama ang term na yan

Ang alam ko lang kasi

Tumibok muli ang puso

SA ISANG “hi” mo lang. ❤
[Ctto sa ibang pick-up lines na nagamit ko po. Salamat.]

bitch

Kausap ko ang PIPI

Isinulat ni: Rj Gono Macatangay
Madalas akong makipag usap sa mga tao.

Makipag tawanan,

Kulitan,

Asaran,

Harutan,

Lambingan,

Tuksuhan,

Libangan–

Halikan?

Bakit?

Nakabungad sa akin ang labing nakakaakit.

Ang pustura’t tindig na hayok magpagamit.

Yaong maganda nga ngunit tampulan ng lait.

“Puta ka!”

Na ibigsabihin ay “Pokpok”

Pumunta ka a, sumenyas ka na lang banda sa sulok.

‘Wag kang mag-alala ‘di kita tatakbuhan.

Tayo ang bubuo ng gabi sa kalagitnaan ng karimlan.

Dala mo ang ungol,

Dala ko ang sarap,

Dala nila ang tutol,

Ngunit walang ako dalâ sa hinaharap.

~

~

Ako ang nasa likod ng kuwento.

Ang taong humaharap sa makamundong engkwentro.

Sa pagbukaka,

Tuwad,

Tayo,

Hubad,

Subo,

O napasubo lang talaga sa nais nila?

Marami pa sana akong didiligang pangarap!

Ngunit napunta sa tiyan ang hinaharap.

Tikom ako,

na tila hindi makaalis sa gapos ng pang-aabuso nila.

Masakit na po ang panghahalay n’yo sa ‘kin.

Hindi ko naman po ‘to ginusto’t akalain.

Pakinggan n’yo naman po ako!

Hindi yung puro ungol ang nais n’yong marinig.

Pakinggan n’yo naman po ako!

Papalapit na ang kanilang labi sa aking dibdib.

Pakinggan n’yo naman po ako!

Dadalhin na nila ako sa liblib.

Pakinggan n’yo naman po ako–

Sila ang dalawang mukha ng pagiging makamundo.

Ang “Nagpapagamit” at “Nanggagamit”

Pakiramdam nila’y tila malaya sa ginhawa.

Pinatikim, nagpatikim at halos magpakasasa.

Inabuso ang laman kaya ngayo’y wala ng laman ang kalooban.

Subalit mabigat ang damdamin at ‘yon ang katotohanan.

Ayaw ko na tapos n’yo na po akong pagnasaan.

Ayaw ko nang masanay sa dumi upang hindi na hugasan.

Ayaw ko nang malibang sa pagiging libangan.

Kakawala na ako sa piitan ng kapusukan.

Lalaya ako sa mundong aking ginagalawan.

Haharap at haharap sa hinaharap kong natunghayan.

Lalanghap ng sariwang hangin na akma sa kaanyuhan.

Kaya pakiusap palaayin n’yo na po ako!

Ako’y lubos na nagsisisi.

Ngunit balewala ‘pagkat kausap ko’y pipi.

go ahead

“Mahal, Aabante pa ba tayo?

ni: Alvin Lontoc
Napupuno na nang ingay ang bawat

paligid,

Mga nakasusulasok na usok at sumisikip na

dibdib.

Hindi ko na mapakiwari ang malamyos

mong tinig—

Pagkat hindi na ako, ang s’yang ‘yong

bukambibig!

Naipit tayo sa pagitan ng abante at pag

hinto;

Pag kambiyo ng mainit na palad,sa’yong

puso.

Tila huminto ang lahat sa tugon na

“Bababa na ako !”

Kasabay ng pag tulo ng mga luhang ito.

Sumabog ang galit, mula sa mapait na

busina!

Iba’t ibang mukha ng damdamin at lumbay

sa mga mata.

Dumadanak ang likido sa aking pisngi;

Bakit dito pa!

Bakit ngayon pa!

Kung kailan,minahal na kita!

Naipit tayo sa pagitan ng trapiko at pagka

bigo!

Napagod kang mag hintay, at biglang

lumayo—

Oo mahal!

Mahaba ang pagkaka-balandra ng

sasakyan.

Subalit, katiting nalang ang layo natin sa

altar!

Mukhang ako nalang ang aabante sa

aspaltong daan—

Matiyagang titiisin ang hapdi at alimuom ng

nakaraan.

Habang tinatanaw kang papalayo’t naka

puting saya at patadyong—

Pikit matang, palalayain ka at huhubarin

ang barong.

Wala ni katiting na espasyo ang

mapagkublihan—

Ng lungkot at takot sayong landas na

pinuntahan!

Hindi na uusad pa—ang sala-salabid na

trapiko.

Pagkat tumirik na,

ang makina,

ng puso mo!

Ayokong maipit ka sa mabagal na takbo ng

mundo.

Maiwan sa kandungan at init ng yakap ko,

Bukas ang pinto sa’yong pag babalik,

Ngunit alam kong sa trapiko’y bababa ka

ulit.

—Eye_bin

semi colon

TULDOK – KUWIT (;)

•Stella Mariz Rosales
Hindi ko malaman kung paano sisimulan, e ni hindi ko nga maintindihan kung ano ba talagang nilalaman o ang tunay na nararamdaman. Hindi ito isang tula upang ika’y pakiligin, hindi rin para ika’y paiyakin. Ito lamang ay isang saloobin ng isang magulong damdamin. 
TULDOK – KUWIT (;) na sa iba ay nangangahulugang pag-asa. Nasaan na nga ba? Tila ba wala na, pagkat di na ma

kita ang kabuluhan ng istorya. TULDOK – KUWIT (;) na sa paulit ulit na pag iisip ay nilalamon na ng galit at ng pait. Ano na nga ba? Tatapusin ko na ba? Sapagkat di na kaya. TULDOK – KUWIT (;) tinatago ang sakit ng isang ngiting pilit wag lamang magalit mga tao sa paligid. TULDOK -KUWIT (;) Napakaraming tanong sa isip, napakaraming bakit. Bakit ba ko nahihirapan? Bakit nasasaktan? Bakit parang walang katapusan? TULDOK – KUWIT (;) Na sa paulit ulit na pag iisip at sa napakadaming tanong kung bakit. Puso’y punong-puno na ng galit. TULDOK – KUWIT (;) Na sa pagpikit ng aking mga mata at sa pagbigkas ng mga problema ay doon ko nadama ang pagmamahal ng isang Ama. Ako pala’y nakakalimot na, andiyan nga lang pala Sya at nagsasabing “Anak, tahan na”. TULDOK -KUWIT (;) Kaya bago wakasan, ang buhay na pinapahalagahan. Lagi mong tatandaan, maraming taong naghahangad nyan. Isa lamang itong paalala, na kahit ano pa ang iyong dinadala at kahit ano mang bigat ng problema. Hindi ka nag iisa, wag mawalan ng pag-asa. 
TULDOK – KUWIT (;)

•Stella Mariz Rosales

last page

“Huling pahina nating dalawa”

Ni Khén Trinidad
Heto nanaman ako,

Nag-iisip ng kung anu-ano,

Inaalala ang lahat,

Nag-iisip ng pamagat 

sa librong aking isinulat.—
Hayaan mong ikwento ko ang kwento natin.
Nagsimula tayo sa wala,

Hanggang sa nag-kakilala,

Naging mag-kaibigan,

Hanggang sa naging magka-ibigan.

Napaka-simple diba? Pero makabuluhan.–
Pero hindi ko pwedeng ihambing ang kwento natin 

sa kwentong pambatang may happy ending.

Dahil iba tayo, iba ang nangyari saatin.

Tayo ay nasa realidad,

na hindi lahat ng pangarap ay natutupad.—
Siguro tadhana narin ang napagod,

Dahil sa mga away na sunod-sunod.

Nakakapanghinayang,

Nakakapanlumo,

Anong magagawa ko?

Tadhana na ang sumuko.
Madami nang pahina,

Ang napuno ng magagandang ala-ala,

At masasakit.—

Ngunit,

Itong huling pahina ang pinaka-masakit.
Sa huling pahina isusulat ko,

Isusulat lahat ng lungkot,

sakit,

galit,

At hirap 

na aking natanggap.—
Uubusin ko ang tinta,

Kasabay ng huling patak ng aking luha,

Isusulat lahat ng nadarama,

Isusulat lahat ng ala-ala,

Ala-ala nating dalawa.

pag-katapos,

ito’y aking isasara.
At handa na muling magsimula

Sa unang pahina,

Ng bagong yugto 

ng aking istoya.

I like you

Gusto Kita

by: Seph Amandy
Ang hirap aminin sa sarili ko na gusto na nga kita,

Pilit ko pang itinanggi kahit halatang- halata na,

At tila dahil sa’yo ang puso’t isip ko ay nagtatalo na,

Hindi ko na nga alam kung sino nga ba ang susundin ko sa kanilang dalawa 

Ang puso ko ba na nasasabing, sige mahalin mo s’ya at huwag kang matakot 

O ang isip  ko na pilit nagpapaalala kung gaano kasakit ang magmahal, lalo na kapag hindi ka nasuklian,
Ngunit, bakit nga ba ako nagkakaganito? 

Gayong gusto pa lang naman kita, 

Teka, gusto nga lang ba talaga kita? O baka naman, mahal na kita.  

Hindi! ayoko! ayaw ko’ng mahalin ka, pero bakit hindi ako kuntento kapag sinasabi ko sa sarili ko na gusto lang kita.

Pilit lumilibot ang utak ko sa posibilidad na baka gusto mo rin ako, at baka  may pag-asa ako sa’yo,
Ngunit hindi na, hindi ko na susubukan pa na mas palalimin pa ang nararamdaman ko sa’yo

Dahil baka sa huli ay mag iwan lang ito ng napakalaking butas sa aking puso

At baka tuluyan ko ng hindi kayanin, kasi alam ko na ang pakiramdam ng kung paano ba paasahin. 

Yung tipong akala ko may pag-asa ako sa kanya yoon pala wala 

Tapos sasabihin lang n’ya, na fake ka don, friends lang talaga tayo, 

Daig ko pa noon ang nakalaklak ng isang dosenang kopeko 78°, at sa sobrang sakit napasigaw nalang ako ng Boom Gising! 

Isang masakit-sakit na sampal ng katotohanan na ako pala ay hanggang kaibigan nalang, 

Ngunit alam ko sa aking sarili na naghiling ako noon ng higit sa kaibigan lang,

Kaya’t tinanggap ko nalang baka kasi bawiin pa nya, sayang naman.
Ngunit may ipagmamalaki naman ako, ako na yata ang may pinaka maraming kaibigan sa buong mundo,

Dahil sa tuwing magmamahal ako, lahat sila at humantong bilang kaibigan lang ako.

Sobrang bait ko naman, dahil sobra ko naman yatang daming kaibigan, gusto ko na nga tala silang bawasan, dahil sa totoo lang karamihan naman sa kanila ay hindi ko kailangan. 

Dahil ang kailangan ko ay ang isang higit pa sa kaibigan kung ako ay ituturing 

Dahil ang hirap hirap at nakakasawa na ang paulit-ulit na pagdaan sa friend zone.
‘Yan  ang mga dahilan kung bakit takot na akong magmahal, takot na akong masaktan at paasahin.

At alam ko na kapag inamin ko sa’yo ang aking damdamin, ay kagaya ka rin ng iba, dahil hindi mo rin ako iibigin,

Muli lang akong mabibigo,  ngunit ang puso ko talaga ay ayaw magpatalo, lagi nalang sumigaw ng, Ikaw, Ikaw,

Samantalang ang isip ko ay ang s’yang sumigaw ng Ayaw, Ayaw.

Ayaw na daw niyang masaktan.
Ngayon, tatanungin kita, matapos ba ng mga sakit at pait na pinagdaanan ko, karapatdapat pa rin ba akong masaktan?

Kaya’t kung aaminin ba ako, may oo ka bang sagot para sa aking kasiguraduhan? 

O baka mas lalo lang ulit dumami ang aking mga kaibigan.
Aaminin ko takot na talaga akong magmahal, dahil kapatid na ng pagmamahal ang sakit,

At sigurado ako na kapag nasaktan ulit ako, hindi ko na kakayanin pa.
Ngunit gusto, gustong-gusto talaga kita, 

At hanggang doon nalang sana.

tawa ng babaeng baliw

TAWA NG BABAENG BALIW

ni Jamil Arjay Anda

(Iginuhit ni Yam Ara)
Dumating na naman ang gabi…

Malamig at maingay na gabi.

Hudyat ito nang pagtawa ng babaeng baliw.

Sisimulan ko nang magtago sa isang tabi,

Magtatago pero hindi hinahanap,

Magtatago pero hindi hinahabol.

Magtatago dahil kailangan…

Kailangan para hindi ko na marinig ang pagtawa ng babaeng baliw.

Mahina ang aking pandinig,

Kaya bilang lang ang aking nadidinig.

Hindi ko pa masyadong naririnig ang kanyang pagtawa,

Pero ayon sa sabi-sabi ito raw ay kakaiba.

Masyado bang mahina ang aking pandinig

O masyado lang mahina ang kanyang pagtawa?

T’wing gabi sinasabi ni Inay na takpan ko raw ang aking tainga

Para hindi ko raw marinig ang kanyang pagtawa.

Dahil kung ‘di ko tatakpan ito kukunin niya ako sa ilalim ng kama.
Ilang gabing nagpaulit-ulit ang gan’tong sistema,

Na kung saan sa t’wing tatawa siya ay kailangan kong takpan ang aking tainga.

Kinakain na ako ng mga katanungan…

Mga tanong na gusto kong masagutan.

Ano ba ang misteryo na nakapalibot sa kanyang pagtawa,

Kung bakit sabi ng iba ito raw ay kakaiba.

Sa umaga tahimik ang bahay ng babaeng baliw,

Na lalong dumagdag sa aking pagkalito…

Nalilito na ako kaya kailangan ko nang sagutin ang palaisipang ito.

Hindi ko na alam ang gagawin ko,

Bakit parati na lang ganito?

Bakit tuwing gabi lang siya tumatawa?

Ano ba talaga ang problema?

Kaya sa matinding pagkalito na nararamdaman ko…

Ito ang nasambit ko, “Sana balang araw tumigil na ang kanyang pagtawa. Sana matapos na ang misteryo na kanyang dala”.
Makalipas ang ilang gabi tumigil na ang pagtawa ng babaeng baliw.

Teka, ito na ba ang sagot sa mga kahilingan ko?

Na masagutan na ang lahat ng misteryo?

Ang saya… Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas tapos na ang kanyang pagtawa.

Na nasagutan na ang misteryo niyang dala.

Pero lahat ng saya ay napalitan ng lungkot at takot.

Nagsimula ito no’ng dumating ang mga pulis galing nayon,

“Ginagahasa raw at binubugbog,” sambit ng isa.

Teka! Nagulat ako…

Sino ‘yong tinutukoy ng mga ‘to?

“Clara Dela Fuente,” sambit ng isang pulis.

Clara? Parang narinig ko na ang pangalang ito…

Pero sino? Paano? ANOOOOOO?

Anong nangyari kay Clara? Sino ang gumawa nito?

Habang naglalakad ako palayo nanginginig ang aking kalamnan.

Nagtayuan ang aking mga balahibo,

Kasabay nito ang pagkabuo ng mga palaisipan na sa isipan ko nabuo.

Unti-unti nang nabubuo ang mga piyesa.

Pero kapag nabuo ba ‘to may maganda bang resulta?
Napag ugnay-ugnay na lahat,

Sadyang ako na lang ang hindi makatanggap ng pangyayari.

Hindi ko akalain na si Clara pala ang sinasabi nilang baliw…

Ang tumatawang baliw.

Siya ang kababata ko na aking kalaro,

Kaya lang masyadong mapagkait ang tandhana kaya hindi na kami pinagtagpo.

Hindi ko alam na ang pagtawa niya ang senyales nang paghingi ng tulong,

Na ang kanyang pag-iyak ay inakala kong pagtawa.

Na ang pagtawa ng baliw

Ang nagbibigay sa kanyang ama ng aliw.

Paulit-ulit na gabing panggagahasa…

Mga gabing akala ko siya ay masaya…

‘Yon pala ay impyernong kanyang nadadama.

Na inakala ko siya ay nakangiti…

Sa totoo lang ay hindi,

Pakiramdam niya na parang gusto niya nang magbigti.

Sa paulit-ulit na sarap na naramdaman ng kanyang ama,

Ay paulit-ulit na sakit ang kanyang nadama.

Bahay nila na napuno ng kalampag at dabog,

Hudyat na pala ito nang pangbubugbog.

Masyadong brutal ang mga kaganapan,

Basag na labi at bungo,

Mga daliring bali-baliko,

Mga pasa sa hita,

Paso ng plantsa sa t’yan.

At sa huling gabi na kung saan tumawa ang baliw,

Siguro tuluyan na siyang magiging masaya

Sapagkat malaya na siya.

At ang huling tawa ni Clara

Ang senyales nang pagpanaw niya.