last page

“Huling pahina nating dalawa”

Ni Khén Trinidad
Heto nanaman ako,

Nag-iisip ng kung anu-ano,

Inaalala ang lahat,

Nag-iisip ng pamagat 

sa librong aking isinulat.—
Hayaan mong ikwento ko ang kwento natin.
Nagsimula tayo sa wala,

Hanggang sa nag-kakilala,

Naging mag-kaibigan,

Hanggang sa naging magka-ibigan.

Napaka-simple diba? Pero makabuluhan.–
Pero hindi ko pwedeng ihambing ang kwento natin 

sa kwentong pambatang may happy ending.

Dahil iba tayo, iba ang nangyari saatin.

Tayo ay nasa realidad,

na hindi lahat ng pangarap ay natutupad.—
Siguro tadhana narin ang napagod,

Dahil sa mga away na sunod-sunod.

Nakakapanghinayang,

Nakakapanlumo,

Anong magagawa ko?

Tadhana na ang sumuko.
Madami nang pahina,

Ang napuno ng magagandang ala-ala,

At masasakit.—

Ngunit,

Itong huling pahina ang pinaka-masakit.
Sa huling pahina isusulat ko,

Isusulat lahat ng lungkot,

sakit,

galit,

At hirap 

na aking natanggap.—
Uubusin ko ang tinta,

Kasabay ng huling patak ng aking luha,

Isusulat lahat ng nadarama,

Isusulat lahat ng ala-ala,

Ala-ala nating dalawa.

pag-katapos,

ito’y aking isasara.
At handa na muling magsimula

Sa unang pahina,

Ng bagong yugto 

ng aking istoya.