boundaries

“Boundaries”
Tama ba hindi ba ako susuko ,

kahit ayaw niya sakin , 

kahit hindi ko ma fill yung mga standards niya , 

kahit hanggang friends lang ang kaya niya , 

kahit puro seen lang ang ginagawa niya , 

Tama pa ba ,

Na ituloy ko kahit masakit na , 

Kahit na mahal na mahal ko siya ,

Tama pa ba na ipaglaban ang nararamdaman,

sa tao na hindi ito kayang suklian ,

Tama pa ba na ipagpatuloy ang laban ,

kahit sa una palang tapos na ang digmaan ,

Mahirap , Masakit ,

Magulo , Nakakalito ,

Oo , tama siguro na lumaban,

para hindi pag sisihan ,

Bahala na ang tadhana ,

para sa pusong napana ,

Para pusong naging alipin ,

Nang tinatawag nila na pag ibig ,

Isang desisyon lang ang aking kailangan ,

Mamimili sa dalawa na pamimilian ,

kung lalaban o susuko na ,

Normal lang sa digmaan ,

Na may mga sugatan ,

at ang iba ay kamatayan ,

Pero sa laban ng pag ibig ,

Normal din ba na may masaktan ,

kahit wala ka ginawang kasalanan ,

Mali ba ang magmahal ,

Mali ba ang umibig ,

Natural nga siguro na hindi patas ang mundo ,

Laging may gulo ,

Laging may akala ,

Laging may mabuti at masama ,

Pero Pagibig ,

Alin ka sa dalawa ,

isa ka ba sa luha ng pagdurusa ,

o sa ngiti ng bagong umaga ,

Pagibig ,

Hindi mo ba kayang pigilan ,

Giyera at labanan ,

Isip at puso ,

nag aantay ng isang desisyon ,

kung lalaban kahit nakikita na ang katapusan ,

o pag suko na sa huli ako ang talo .

Isang hiling ,

Na sana may sagot sa pagitan ,

ng atras at laban ,

at duon ang kakapitan ,

para sa kalituhan ,

na walang nakaka alam ,

kung kailan o nasaan ang hangganan .
– V