tagihawat

Dear Tagyawat
Ni: Luisito Velasco

~

Sinamahan mo no’ng ako’y nag-iisa,

Nandyan din no’ng nakilala ko sya,

Di ka lumisan no’ng ako’y iniwasan nya,

No’ng panahong yun sinisi pa kita.

~

Makailang ulit kitang nasaktan at pinilit pinalayo,

Pinagtabuyan pero sabi mo “Hindi! dito lang ako!”

Hindi ko rin gusto yung ginagawa sayo,

Dahil t’wing nasasaktan kita.. nasasaktan din ako.

~

Di ko nga alam kung bakit napakamartir mong masyado,

Nandyan ka pa din kahit nasasaktan ka na ng tao,

Sa t’wing iiyak ikaw sumasalo ng luha ko,

Alam kong masakit to sayo pero magkaibigan lang talaga tayo.

~

Madalas akong tuksuhin nang dahil sayo,

Lagi ka kasing nakadikit eh hindi naman tayo,

Pero kahit gano’n kahit papa’no,

Salamat sa’yo di ko na ramdam na nag-iisa ‘ko.

~

Hayss.. 

Bakit ba kasi hindi kita makuhang mahalin?

Kahit anong diin o pilit ko mang gawin,

Kung sasabihin ko mang mahal kita masasaktan kadin,

Sa kadahilanang mahal kong totoo’y iba rin.

~

Pero salamat talaga ha..

Hindi mo kasi ako iniwan eh kahit alam kong ang sakit sakit na,

Para sa’yong pagmamahal ko’y di maipakita,

Pinapalayo kita kasi alam kong may mali na,

Kaya iwan mo na ko oh, please lang dali na.

~

Dahil ayoko ng makita kang nasasaktan pa sa piling ko,

Ayoko ng paulit ulit pa kitang pinapalayo,

Ayoko ng maging dahilan ng bawat pagluha mo,

Luhang ang laman ay ang ngalan ko.

~

Oo, alam kong masakit to para sayo,

Alam ko yan dahil nagmahal din ako,

Nagmahal, nasaktan, umiwas, lumayo,

Pero tingnan mo, ngayon ayos na ako.

~

Gusto ko lang isalba yung pagkakaibigan nating dalawa,

Na nabuo simula no’ng ako’y umibig na,

No’ng panahong yun ako’y tuwang tuwa,

Ikaw naman no’n pulang pula,

Senyales na nagseselos ka.

Talagang alam mo pag pinagpupuyatan ko sya,

Kinabukasan bigla ka nalang magpapakita,

Sa galit mo nga ilong ko yung pinuntirya,

No’ng sumunod na araw buo ko ng mukha. 

~

Pero hindi talaga pwede eh,

Magkaiba yung mundo natin.

~

Sana maintindihan mo,

Ginagawa ko ‘to para sayo,

Balang araw maiintindihan mo din ako,

Makakahanap ka din ng para sayo,

~

Pero salamat sa lahat.. 

Patawad..

Paalam..

Mahal kong tagyawat.
Josh