“Paano ba , tama pa ba , gusto ko na.”
Ni: Noli John Cabailo Macasa
Paano ba bumitaw sa mga bagay na hindi mo hawak,
Paano buuin ang pusong tuluyang nawawasak.
Sumusugal sa larong alam kong mapapahamak, kaya Sinta,
Paano ba?
Paano ba lilisan sa pagmamahal na hindi masuklian.
Paano ba?
Paano ba kalimutan ang mga masasayang alaala,
Paano ba?
Paano ba kalimutan ang isang tulad mong minahal ko ng lubusan.
TAMA PA BA?
Tama pa ba na kailangan mo ako o mas nararapat na kailangan na ako ng sarili ko ,
tama pa ba na mahalin ka o mas tamang palayain na.
Nakakalungkot isipin
Na ngayon magbabalik nanaman sa hanggang tingin
Pilit ko mang tanggapin
Ngunit parang di ko kakayanin
Mali ba ang ikaw ay mahalin
At araw araw ipanalangin
Na balang araw sana ikaw ay maging akin
Kaya mahal bago matapos ang tulang ito ipapaalala ko lang sayo,
sinayang mo ang pagmamahal na Inalay ko para sayo.
Iiyak nanaman ako
Pagtapos ng lahat
Akoy magbibilang
Isa , dalawa , tatlo ,
Naisip ko Talo nanaman ako.
Gusto ko ng lumaya at maging masaya, Gusto ko ng umagang walang inaalala, Gusto ko ng gabing mahimbing ang pagidlip,
Gusto ko ng Mag hapong walang iniisip.
Ito nako Muli
Nag-iisa pero kaya nang wala ka
Kayang maging maligaya
kahit wala kana
Limot na kita.
#FilipinoSpokenWord