tingin

Tingin

By:Marion Russel Miron
Napakahirap talaga

Na hanggang tingin ka nalang talaga sa kanya,

Kasi sa takot nagpakulong ka

At nagpadala sa “baka tanggihan ka niya”

At mauwi lang sa wala ang inyong pagsasama

Pagsasama na sa tingin mo hanggang kaibigan lang talaga,
Napakahirap talaga na hanggang tingin ka lang sa kanya,

Kahit na nakikita mo siyang kasama ng iba,

Kahit na iba dahilan ng pagiging masaya nya,

Masaya siya hindi ng dahil sayo kundi dahil sa iba,

Tinitiis mo nalang ang sakit para sa kanya,

Kasi alam mo sa sarili mo na mahal mo siya,

Na makita mo lang siyang masaya ay masaya kana,

Kahit sa loob loob mo gusto mo ng umiyak kasi napakasakit na,
Ayos nalang para sayo ang mga nangyayari,

Tinitingnan siya na masaya sa ibang lalaki,

Habang ikaw kaibigan parin katulad ng dati,
Hanggang tingin ka nalang ba ??

Habang masaya siya sa iba ??

Hanggang kailan no itatago ang iyong nadarama ??

Kung kailan ang lahat ay huli na ??

Kung dumating na yung araw na sila na ?
Matutong umamin ng nadarama

Ng sa huli wala kang pagsisihan pa

At maiwasan ang mga salitang “Sana”

Na SANA umamin ka,

SANA pwde pang ibalik yung nakaraan na sa buhay ng tao ay napakaimpossible ng mangyari pa,

Para SANA nalaman mo ng mas maaga na parehas pala kayo ng nadarama,

Edi SANA IKAW ang nauna at hindi SIYA.