“TULDOK SA TAGALOG”
Ni: Pusang Makata
Ayoko sanang tanggapin ka
Pero wala naman akong magagawa
Kundi yakapin ka ng kusa.
Di ako galit,
Di ako nagrereklamo,
At mas lalong di kita gusto.
Nag-iiba lang talaga ako sa piling mo,
Nagiging si Hulk ‘pag nainis ako
Nagiging Witch ‘pag napikon mo
At nagkakaroon ng World War 3 ‘pag nagagalit ako.
Hindi ko lang kasi talaga kaya,
Ang sakit na dala-dala.
Pawis na malamig sa tuwina
Nauubusan ng hininga ‘pag andyan ka
Animo’y, tibok ng puso’y biglang kaba
Na baka, sa isang iglap lang ay matumba.
Wag mo na akong saktan pa, pwede ba?
MAS MASAKIT PA ‘TO, KESA NUNG IWAN NIYA
Kahit anong libot ko kasi sa kama
Andyan ka pa rin talaga.
Wala kasing gamot sayo, leche ka
Bakit ang bad bad mo sa’min
Sana magbago ka na.
Lagi pa kasi talaga tayong nagkikita
Akalain mong buwan-buwan, dumadalaw ka.
Tapos ang tagal mo pang mawala
Oh diba, sa’ming mga girls yun ay parusa?
Pero dahil mahal kita
Kahit gaano man kahirap
Kahit gaano man kapagod
Kahit gaano man kasakit
Pagdating mo pa di’y ako’y sabik
Dahil mas mabuti nang ika’y bumalik
KAYSA NAMAN AKO’Y MABUNTIS.
*”BUWANANG DALAW”