“AKO ANG MANLILIGAW MO”
Ni: Joshua Deleon Dupitas
Bago ko simulan ito,
Nais ko munang magpakilala sayo.
Hindi mayaman, walang kotse, hindi gwapo,
Ako ang manliligaw mo.
Humarap tayo sa katotohanan.
Hindi ko kayang hulihin ang buwan,
Di kayang tawirin ang mga kabundukan,
Pero sayo lang ang pag-ibig kong sukdulan.
Ako’y walang pera
Sungkitin ang mga bituwi’y di kaya
Di maibibigay ang buhay na masagana,
Pero handa kitang samahan sa hirap at ginhawa.
Hindi laging bago ang sapatos,
Suot ma’y laos,
Sa salapi man ay kapos
Pagmamahal ko naman sayo ay lubos.
Hindi banal,
May katamaran sa pagaaral,
Wallet ay hindi makapal
Ngunit saki’y di ka masasakal.
Hindi masyadong mabait,
Ubod ng kulit,
Sa pangaasar ay malupit
Pero ikaw lang ang iibigin ng paulit-ulit.
Bahay ay hindi maganda,
Ulam lagi ay sardinas na de-lata,
Sa banig lang nakahiga
Pero kaya parin kitang ituring na prinsesa.
Sana’y mahalin mo,
Matanggap mo sana ako,
Maging tayo man ay malabo,
Makamtan sana ang matamis mong “OO”
Magpapakilala ulit ako.
AKO ANG MANLILIGAW MO.