sa tamang panahon

Sa tamang panahon.
Nung gabi na una kang nasilayan. 

Meron akong kakaibang nararamdaman na hindi ko maitindihan. 

Gulong gulo ang aking isipan. 

Sa twing nakikita kong ikaw ay ngumingiti para bang ako’y nasa kalangitan. 
Habang tayo’y nag iinuman ikaw ay aking nakatabi. Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso. 

Na para bang ayaw ko ng matapos ang gabi. 

At humiling sa kalangitan na ikaw ay muling makasama. 
Makalipas ng ilang buwan ikaw ay muling nasilayan. 

Ngunit sa pagkakataon na ‘to hindi na kita pwede pang malapitan. 

Hanggang tingin na lang ako. 

Dahil ang puso ko ay may nagmamay ari na. 
Sa hindi inaasahang pagkakataon ikaw ay aking muling nakasama. 

Nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin sayo na gusto kita. 

Hindi ko na pinaglapas ang pagkakataon na sabihin sayo na sa una pa lang nating pagkikita ay nabihag mo na ang puso ko. 
Nung gabi na yun, wala akong ibang naramdaman kundi parang tayong dalawa lang ang tao sa mundong ito. 

Kitang kita sa mga mata mo kung gaano ka kasaya at ganon din ako. 
Sayang nga lang hindi ito yung tamang panahon para sating dalawa. 

Pero naniniwala ako at pinagdarasal ko na darating din ang araw na muli tayong magkikita. 

Sana bigyan ako ng pagkakataon ng mga tala na sabihin sayo na masaya ako at nakilala kita. 

Hihintayin ko ang panahon na yun na ikaw ay muling makasama.