Basura

BASURA 
(SPG)
Disclaimer: Hindi ko gustong maging pacool dito or masabihan na super hero. Wala ako dito para umani ng mga papuri. Hindi ako mahilig magbasa ng comments, wala rin akong pakialam sa feedbacks niyo at all. Anon ako, walang makakaalam ng identity ko. Pero sana talaga mapost ‘to para maging aware din ang mga babae na may mga ganitong klase ng lalake. Sorry for the bad words. Kung maselan, wag nang basahin. 
May gusto lang akong iparating sa mga kapwa ko lalaki. Mga pre, bro, tol, brad, alam kong marami kayong maguguilty dito. Para lang ‘to sa mga gumagawa ng ganitong kabalbalan.
Gusto ko lang malaman niyo na t@ngina niyo, hindi niyo ikinagwapo o ikinacool yang pagiging Kiss and Tell niyo! Daig niyo pa mga chismosa niyong kapitbahay sa kanto. Hindi ikinalaki ng mga etits o itlog niyo yang pagkukwento ng mga pribadong bagay na ginagawa niyo ng mga girlfriend/side chick niyo sa mga barkada niyo para mag-pabibo. Ikukuwento mo kung paano mo ginamit, nilaspag, ibinasura, gaano kaluwag, size ng s*s*, and all. Oo girls, sad to say, nag eexist yung mga ganitong klase ng animal. Akala mo yung babae ang naging basura sa ginawa mo? Ikaw ang basura, g@go. Matuto kang rumespeto sa babae bago gawin ng ibang lalaki yan hindi man sa kapatid o pinsan mong babae, kundi sa anak mo.
Hindi man sayo ang balik, asahan mong sa mga mahal mo sa buhay. Karma na ang hahatol sa mga kagaya mong gamol.
Mga barkada ko noong ganito, tinalo ko lahat, mga kanser ng lipunan eh. Mahirap ng mahawa sa mga ganitong klase ng t@e. Thankful ako ngayon na hindi shithead mga bago kong barkada, malayo ang pag-iisip sa mga nauna. 
Ingat din, girls!