​“Bumalik Ka Na”

By: Anafel Love Tumulak
Sa panahong nagkasama tayo, sobrang saya ko. 

Simula nong magbestfriends tayo hanggang sa naging tayo.
Sa piling mo akoy kontento. Wala na akong hihilingan pa, nandiyan ka na eh. Nasa tabi ko. 
Nung mga panahong magbestfriends pa tayo, ang kulit mo. Palagi mo akong inaasar pero palagi ka namang nandiyan kapag kinakailangan.
Ikaw yung tipo ng tao na ang sarap makasama at mahalin. Kaya ayun, sobrang saya ko, dahil napamahal ako sayo.
Ikaw yung palaging nag papangiti sakin. Ikaw yung unang iniisip ko sa paggising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko sa gabi. 
Ilang taon tayong magbestfriends, hanggang sa nagkaaminan. Sobrang saya ko, dahil yung bestfriend kong mahal na mahal ko, eh mahal din ako. 
Nagsimula tayong masaya. Pag may problema, hindi mo pinapaabot ng umaga ang away nating dalawa dahil gusto mo na bago tayo matulog, ok na tayo. 
Sobrang dami nating napagdaanan. Nalaman ng family ko na tayo. Mas madami akong nalaman tungkol sayo. Nagkaka-away tayo, nagkakasagutan pero sa huli, tumatawa, nagmamahalan.

 

Pero bakit humantong tayo sa ganito?
Ano bang nangyari mahal? Bakit nanlamig ka pagkalipas ng oras? Bakit ipinaparamdam mo sa akin na napapagod kana? Bakit ipinaparamdam mo sa akin na ayaw mo na? 
Ginawa ko naman lahat mahal pero bakit tila sumusuko kana? 
Inaamin mong ikaw ang may kasalanan pero bakit wala kang ginagawa upang ito ay maitama? 
Sinasabi mong lumalaban ka, pero bakit hindi ko nakikita? 
Sinasabi mong mahal mo ako, pero mahal, bakit hindi ko maramdaman?
Nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil wala na akong maisip na paraan upang maibalik ang dating tayo. Ang dating ikaw at ako. 
Nasasaktan ako, dahil alam ko sa sarili ko na sumuko ka na. Pero dahil mahal kita, nagtatangahan ako. Kahit kitang-kita ko na sa mga mata mo na ayaw mo na, nagbubulagan ako.
Ayokong aminin at ayaw kong tanggapin ang katotohanan na hindi mo na ako mahal, dahil umaasa pa ako sa salitang “TAYO” na nagdudugtong pa sa ating dalawa. 
Mahal bumalik kana. Malapit na akong sumuko. Malapit na akong bumitaw. Pakiusap ko sayo, bumalik ka na.
Ayokong manatiling alaala na lamang ang ating napagdaanan. Ayokong manatili sa nakaraan ang ating pagmamahalan. Pakiusap ko sayo, bumalik ka na.
Ayokong magkaroon ng huling yakap, ng huling halik. At higit sa lahat, ayokong manatiling pangarap ang ating pinangarap ng sabay. 
Mahal, pakiusap ko sayo, bumalik ka na.