Rp 10 things about love

sampung bagay na natutunan ko mula sa mga umiibig,

Una napakatamis ng mga simula ng mga umaga na ang bumubungad sayo ay ang kanyang mukha
nag aalmusal ka ng kilig. at pagdating sa gabi ay baon mo sya hanggang sa paghimbing dito,
dito mo matututunan ang tunay na kapangyarihan ng isang ngiti, ng ibang kamay na humahawi sa iyong buhok
ng mga mata na sumisisid sayong kaluluwa,pangalawa napakadaling maging kampante at masanay
sa pagmamahal,ang malunod sa kapangyarihan ng kami ng tayo ng atin pero paano naman ang kanya
paano naman ang ako .napakadaling malunod sa akalang ang iyo ay mananatiling iyo.
pangatlo mapapagod ka.pero pang apat ang tunay na pag ibig hindi dapat sinusukuan diba?pero panglima
ang tunay na pagibig ay hindi parating sapat kapag ang mga pakpak na ibinigay nito sayo ay bumigat, at naging 
kadena na ni ayaw kang patayuin. Kapag ang langit na dating nilipad mo ay naging kulungan na nasaiyo naman 
ang susi at kandado pero ayaw mo pa rin pang lisanin.pang anim ang pinakamabagsik mang apoy ay mamamatay, 
maghanda ka sa sakit.pero wag kang mag aalaga ng galit, eto ang pang pito iiwanan kang puno ng sugat at pilat 
at paltos nito.iiwanan ka nitong abo.pang walo maghanda ka sa wakas.pang siyam alam ko parang hindi ka pa 
talaga handa sa wakas eh.wala naman kasi yata talagang nagiging handa sa wakas pero pang sampu andyan ang 
wakas at sa wakas mahalin mo pa sya.sa tingin,sa tanaw mula sa abo na iniwan ng dati ninyong apoy mahalin 
mopa sya pero kapag ang pakpak ng dati mong pag ibig ay naging gapos na, kapag ang langit na minsan mong 
nilipad ay naging kulungan na mahalin mo sya,sa huling pagkakataon pagkatapos bitaw na.

lharz mia

Rp.. poem

ETO PA PO YUNG ISA NYA TULA Search the page of UP PSYCSOC month of May mas 
NakakaIyak 

“Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.
Pangako yan at totoo. Hindi ko alam kung magiging gaano kahaba o kung kasya ba sa isang piyesa,
ilang pahina, ilang minuto ang ihahaba, itatagal nito at posibleng hindi ko agad makabisado pero pangako yan,
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.

Itaga mo to sa bato, abutin man ako ng umaga dito hindi ko ipipikit ang mga matang ito..
uubusin ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo o anumang tawag ko sayo,
mahal, sinta, irog, pangga, babe, bbq, bae, beb, asawa ko, mhine, kulet, kapal, kupal, hayop, p**a, p***ng ina ka ano pa ba..wala akong pakialam kung abutin man ako ng ilang talata dito,
pero hindi ko na pwedeng patirahin lang dito sa loob ko ang mga salitang ito kaya pangako,
ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo.

Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira.
hindi mo nga pinansin ang mga agiw sa dingding, hindi ka nga natinag sa ipis na biglang dumating sa iyong pagbisita..
pero hindi mo rin man lang din tinignan ang mga libro na nasa tabi ng kama kong natutulog din, at tangi ko noong kapiling. 

Magsisimula ako sa umpisa, sa kung paanong niyakap mo ako nung sabihin ko sayong “mahal kita..”
sa kung paanong hinalikan mo ako sa noo sabay sabi na “mahalaga ka..”
at ako naman tong si tanga, tuwang tuwa na hindi pa nalinaw nga na
ayaw ko na maging mahalaga, ayaw ko na maging halaga..

Hindi ako antigong salamin na matagal mo nang pag aari
na tinitignan mo lang para ipaalala sa sarili mo na maganda ka, ayaw ko na maging mahalaga..
hindi ako telepono mong dudukutin lang sa bulsa kapag kelangan mo ng solusyon sa kawalan mo ng koneksyon sa mundo mong masyado ng malawak para bigyang atensyon ka pa, ayaw ko na maging mahalaga..
hindi ako kuwintas na isusuot mo lang sa piling-piling mga okasyon
kapag meroong mga sitwasyon na pakiramdam mo ay kulang ka pa
Hindi ako para ibalik sa loob ng isang kahon kapag matutulog ka na sa gabi sa takot na masakal ka sa yakap ko kapag mahimbing ka na, 
o ibalik sa loob ng isang kahon at itabi sa sulok ng isang aparador
sa takot na manakaw ako ng iba, ayaw ko na maging mahalaga..

Ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin..
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng kape mo sa umaga
tanggap ang tamis at pait, kelangan para sa init
pero hindi isinasantabi dahil lang nanlamig na..
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng sarili mong opisina
kabisado kung para saan ang ano, kabisado kung saan nakatago ang alin
kabisado ang mga tinatago kong patalim, silbi, dumi, lihim..patalim, silbi, dumi lihim…
kelangan ko na mahalin mo ako gaya ng unan mo sa gabi, niyayakap sa ginaw, sinasandalan kahit na mainit, binubulungan ng mga pinakatatago mong panaginip
ayaw ko na maging mahalaga, ang gusto ko ay mahalin, ang kelangan ko ay mahalin..

at nagsulat ako noon para lang mahalin mo ako, kaya patawad pero magsusulat ako
hanggang sa maubos ko ang lahat ng salita na posibleng tugma ng pangalan mo
patawad pero magsusulat ako para patawarin mo ako..
dahil minsan may nakapagsabi saken na ang taong hindi raw marunong magpatawad ay hindi makapagsusulat
kaya mahal sa pagkakataong ito
sa huling pagkakataon na magsusulat ako ng tula para sayo
gumawa tayo ng kasunduan, patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagtahan at patatawarin kita sa hindi mo pagluha
Patawarin mo ako sa hindi ko pananahimik at patatawarin kita sa hindi mo pagsasalita
Patawarin mo ako sa hindi ko pag alis at patatawarin kita sa hindi mo pananatili
Patawarin mo ako sa hindi ko sayo paglimot at patatawarin kita sa hindi mo saken pagpili mahal
gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako.

Patawarin mo ako sa hindi ko pagbitiw at patatawarin kita sa hindi mo pagkapit
Patawarin mo ako sa hindi ko paglayo at patatawarin kita sa hindi mo paglapit
Patawarin mo ako sa hindi ko pagsuko at patatawarin kita sa hindi mo pagsugal
Patawarin mo ako sa hindi ko pagkamuhi sayo at patatawarin kita sa hindi mo saken pagmamahal, mahal
gumawa tayo ng kasunduan patatawarin kita pero patatawarin mo rin ako
para sa wakas ay matapos ko na itong tula na masyado ng matagal na nakatira dito
at patawad kung magiging masyadong mahaba at marami masyadong bulanas
pero pangako huli na to, huli na to, huli na to…

Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako at tinanong kung san ako nakatira.
Magsisimula ako uli sa umpisa, sa kung paanong nginitian mo ako 
Magsisimula ako uli sa umpisa, 
Magsisimula ako uli…
Magsisimula ako….

Ito na ang huling tula na isusulat ko para sayo, mali…
Ito na ang huling tula na isinulat ko tungkol sayo

Iniibig kita, at ubos na ubos na ako….”

lharz mia

Aldub

Repost…
(REPOST !!!) Mga Netizens at die-hard fans. Lilinawin ko na bago ang lahat: HINDI AKO FAN NG KAHIT SINO! Isa akong hamak na kolumnista ng isang pahayagan. Isa rin akong manunulat na mas priority ang publicity ng ABS-CBN. Hindi ako fan ng TVJ kaya’t hindi ko sila naisusulat. Binabayaran ako para pasikatin ang mga talents ng ABS-CBN. Halos buong buhay ko ay loyal ako sa kanila, magpahanggang ngayon. Isinulat ko ito hindi upang manira o mamuri ng kahit sino dahil sa totoo lang ay wala akong hilig sa panonood ng tv. Like what I said, obligado akong isulat sila ayon sa feed sa akin ng management. Hanga din ako sa sobrang sikat ng ALDUB dahil minahal talaga sila ng mga fans at masasabi ko na GENUINE ang pagmamahal na ito kahit pa nakocornihan ako. Hindi kasi ako fan ng EAT BULAGA. Matagal na akong nagpipigil sa mga anomalya ng ABS-CBN. Bilang isang manunulat, kailangan kong itago ang tunay kong pagkatao, hindi dahil nagsisinungaling ako or naninira, kundi dahil takot ako na madamay ang mga anak ko. Lately, kabi-kabila ang mga bashers at haters ng magkabilang kampo. Tila hindi mapigil ang isa’t isa na ipagtanggol ang hinahangaan nila. Mas nagiging pangit ang dating ng mga fan ng ALDUB dahil sa paninira nila sa SHOWTIME lalo na kay MS. PASTILLAS. Hindi na umano mapigil ang gigil ng mga fans. Nagkakapersonalan at nagkakabulgaran na ng pag-uugali. Kung sa sarili ko lang, hahayaan ko na lang sana dahil nananahimik na ako, kumikita ko, may extra sahod pa mula sa ABS-CBN na masasabi kong bumubuhay sa amin ng pamilya ko. Isang hapon; biglang nagpatawag ng meeting ang pamunuan ng ABS-CBN. Lahat ng head sa bawat department ay inobligang dumalo at makarating. Ipinacancel nila ang mga lakad at schedules para sa meeting na iyon. Target nilang buwagin ang phenomenal ALDUB. Noong una, okay sa akin ang plano ng management. Nais ko ring manatiling #1 ang estasyon na aking pinaglilingkuran. Pero nagulat ako sa desperadong hakbang nila. Magtatanggal daw ang management kapag hindi nakiisa ang mga naroon. They gave us an ultimatum. Hindi lang ako ang kolumnistang naroon but I am sure walang maglalakas ng loob na aminin ang ibinubulgar kong ito. Oo,kailangan ko ang 1M na ibibigay nila kaya ako nanahimik pero sumosobra na sila. Marahil walang makikiayon sa akin kahit sino pero wala akong pakialam. Ang sa akin, hindi makatarungan. As I was saying, binigyan kami ng ultimatum para magkaisa at pabagsakin ang ALDUB, EAT BULAGA at GMA. Narito ang mga dapat maachieve in a span of 3 weeks; Unang-una, pigilin ang pag-iingay ng ALDUB fans at pag-ingayin ang SHOWTIME fans. Pinilit nila kami na kumausap ng mga taong may accounts sa social media para makiisa sa aming layunin. Kinumbinsi din namin ang mga ordinaryong mamamayan na gumawa ng sarili nilang accounts at mag-ingay kapalit ng 5 kilong bigas. Ang mga dating walang pake sa pagkocomment ay pinilit nila na magtanggol ng mga artists ng SHOWTIME. Ginawa namin iyon at marami kaming nakumbinsi pero hindi sapat sa kalingkingan ng kabila. Next move, namahagi ng tig-500 pesos ang management sa mga taong mag-iingay sa social media. They make it a point na makapagcomment or makapagtweet sila with a hashtag nang hindi bababa sa 1k per type of social media. They also want us to provoke the fans of ALDUB to bash SHOWTIME all the more para pumangit ang image nila. Pero hindi iyon kinagat ng karamihan. So another meeting was held. Nagpamudmod sila ng tig-Php1000 sa bawat taong magpapanggap na ALDUB fan para mambash at pagmukhaing mga walang modo ang mga fans nila MAINE at ALDEN. Kunwari ay ipinagtatanggol nila ang dalawa kapalit ng paghamak sa PASTILLAS GIRL ng SHOWTIME. Ang totoo, hindi mga fan talaga ng ALDUB ang balahurang mambash. They seem to appear fans but their goal is to provoke people to backbash and create such and such issues. Mas maraming bash, They seem to appear fans but their goal is to provoke people to backbash and create such and such issues. Mas maraming bash, mas mukhang kawawa ang manok namin so the sympathy of people will go to Pastillas Girl. I read people who admire PASTILLAS GIRL and fight for their idol kahit binabash o sinisiraan pa ito. Para sa akin naaawa ako sa girl dahil ginagamit lang siya ng ABS-CBN. Desperate move for them. ABS-CBN bakit naman kayo nagkaganyan? Sa tagal tagal na pumatok ang mga pakulo at love teams ninyo,bakit ngayon na minsang may sumikat sa kabila ay sinisira ninyo ang tiwala namin. NASAAN ANG “IN THE SERVICE OF THE FILIPINO” MATANDA NA KO PARA MAGBIRO O MANIRA PERO ITO AY PAGMUMULAT. HINDI KAYO PATAS LUMARO. I MAY APPEAR EMPATHIZING FOR GMA, BUT I AM NOT. FOR ME, I WANT FAIR COMPETITION. HINDI YUNG GAGAWA KA NG BAGAY NA ALAM MONG HINDI TAMA!!! Sorry kung basher ang dating ko pero HINDI KO NA KAYO MASIKMURA!!! MULA SA PANUNULOT NINYO SA MGA ARTISTA NG GMA HANGGANG SA PAGBABAYAD NINYO SA MGA TV RATING COMPANIES AY ALAM KO. HINDI AKO MAGTATAKA KUNG ISANG ARAW, YUNG MGA SINISIRAAN NINYO AY NASA INYO NA LUMALABAS. HINDI BA??? SINI SIRA NINYO SILA PERO NAKIKIPAGNEGOSASYON KAYO KINA ALDEN AT MAINE!!! Opo, tama ang nabasa ninyo! Noong Agosto, tinawagan nila ang handler nung dalawa pero dahil mababait, hindi umano nila tatraydurin ang mga taong dahilang ng pagsikat nila. Imagine, triple ng talent fee ni vice ang offer ng ABS-CBN sa kanila. Dahil sa pagtanggi ng dalawa sa offer, tuluyang nanggalaiti at naging desperado ang network. Yung ibang makakabasa nito alam ko may alam kayo pero hindi kayo makikiayon sa akin dahil sa ng network sa loyalty ninyo. Oo, alam na alam ko iyan mga kapamilya kaya nga hindi ko din maipakita ang totoo kong pagkatao. Ayokong matulad sa pamilya ni Mr. Rivera na matapos siyang manindigan, 8 years ago, ay ipinapatay siya ang ABS-CBN at tinakot ang pamilya. May ebidensya ko sa mga pinagsasabi ko. Kaya malamang sa tamang panahon, ilalabas ko ang mga ebidensya, tape recordings at videos ng mga meetings with the executive. Narinig ko pa lang ang plano naisipan ko ng irecord ang buong meeting. Keep posted! Concerned lang ako sa mga fans na nakikipag-away pero ang totoo, LAHAT AY PLANADO AT NAHUHULOG ANG MARAMI SA PATIBONG NG AKING MGA BOSS. Sorry ABS-CBN. You have to be fair!!! Salamat sa mga nagbasa, naniniwala man o hindi. At least maluwag na dibdib ko. Bilang Kristiyano,hindi loyalty sa iilan ang kailangan, dapat ay manindigan sa katotohanan!!!! -Concerned netizen
Repost po….

lharz mia